Monday, April 7, 2014


Kapag sumasamba ka saan ka nakaupo? Magkahiwalay ba ang mga lalaki at babae? O pwede kang umupo kahit saan mo naisin? 

NUONG EID AL-FITR 2013 (makikita na magkahiwalay ang mag babae at lalaki)
From: http://drop.ndtv.com/albums/NEWS/eid_2013/mideast-iraq_conv.jpg


PRAYER ROOM SIGN
From: http://2.bp.blogspot.com/-LkjVnTkMLYw/
UYAgosGh6dI/AAAAAAAAEmQ/sBNA
x318J4w/s1600/mosque+on+a+boat.png
Dito sa blog na ito, nais naming talakayin ang pamumuhay ng mga kapatid natin na Muslim, lalo na kung bakit sila magkakahiwalay umupo sa kanilang Mosque. 

Upang mas masilayan ang paksa na ito, nakipag ugnayan kami kay
Bb. Sittie Nabila Bato, at ito
ang kanyang sinabi:



“Kasi, bawal (haram) sa mga muslim ang pagupo ng mga babae at lalaki dahil ang mga lalaki na te-tempt sila tignan ang mga babae mula ulo hangang paa. Bawal sa amin yun kasi may mga lalaki pag tinignan nila yung mga babae marami pumapasok sa isipan nila, sa makatuwid, green minded ang mga lalaki. Bawal (haram) yun dahil makasalan yun. Kaya pag nagsisimba kami nasa harap ang lalaki at nasa likod ang babae. Para maiwasan nila ang mga temptations at paraan din un para maipakita kung gaano nire-respeto ang mga babae saamin.  

 Ang isa pang dahilan ay kasi sa bahay ang desisyon ng tatay ang laging nauuna. Ang tatay ang haligi ng tahanan at kung walang tatay hindi nabubuo ang mga anak. Ang tatay ang nagbibigay ng tamang desisyon sa mga anak nila, specially kaming mga babae.

Mas binibigyan nila ng pansin ang mga babaeng anak dahil pag namatay ang mga magulang, ang mga anak ang susi para makapunta sila sa langit, dahil bago pumanaw ang mga magulang kailangan nila turuan ang mga anak nila kung paano maging maka-diyos at maka-tao dahil. 
Bilang anak marami kami ma-apply na moral lessons sa buhay namin pag pumanaw na ang mga magulang namin. Dahil din dun matutulungan din namin mabawasan ang mga kasalan ng aming mga magulang. Bilang anak kailangan din namin maipasa ang aming natutunan sa magiging anak namin.”

Kaugnay ito sa isang artikulo ni Amy Mooz (2014), na dahil daw sa turo ni Sunnah, naisakatuparan ang pag hihiwalay ng mga babae at lalaki sa parehong rason din ni Ms. Bato. Minsan naman, ayon sakanya, ang mga pasilidad sa Mosque ay hindi ganun kasapat. Kaya ang mga babae ay hindi rin sapat na nabi-bigyan ng maayos na lugar para mag samba. Kung minsan nasa basement o nasa attic sila, na madalas ay masikip, maliit at mahirap makarinig. Kaya para sakanya, hindi ang paghihiwalay ng mga lalaki at babae ang problema kundi ang pag a-accomodate sa mga babae at lalaki. 

MGA MUSLIM NA SUMASAMBA 
(makikita na ang mag lalaki ay magkakasama)
From: http://www.muslimblog.co.in/wp-content/uploads
/2011/05/Indian-muslims-praying.jpg
Masasabing ang paraan na ito ay kakaiba para sa ibang relihiyon. Para sa mga Katoliko mas maige ang magkakasama ang lahat. Ngunit meron din tayong mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo na hiwa-hiwalay rin ang pag upo sa kanilang lugar ng pagsamba. Sa makatuwid, kada relihiyon ay may kanya kanyang isinasatupad na batas at paniniwala. Ang magagawa natin bilang mga parte ng lipunan ay intindihin at tangapin ang realidad na ito. Yakapin natin ang katotohanan na iba iba tayo ng paniniwala at ito ay nag mamani-pesta sa iba't ibang paraan. Maging sa pananamit, sa pagkain at kung saan ka uupo. 






Source:Mooz, A. (2014) . Gender Segregation: What Does It Mean in Islam? - Views of an American New Muslim. Retrieved from:
                                       http://www.onislam.net/english/reading-islam/living-islam/islam-day-to-day/society/448987-being-fair-about-segregation.html